Ano Ang Kultura Ng Mga Tao Sa Mindanao?

Ano ang kultura ng mga tao sa mindanao?

Answer:

Ang mga mamamayan sa Mindanao ay kilala sa kanilang makulay na sining, kultura at tradisyon. Binubuo ang lugar na ito ng mga ibat ibang grupo. Sakop ng kanilang kultura ang pagbuburda, pag-uukit, at paghahabi. Dahil halos lahat ng mga tribo ay may kasanayan sa mga ganitong paglikha, ito na rin ang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan. Sa kanila namang literatura, napakahalaga ng simbolo ng Sarimanok. Ito ay sumasagisag sa pagkakaibigan at pagkakasundo. Marami ring mga alamat at kwentong bayan ang maga taga-Mindanao.Kabilang dito ang Alamat ng Perlas, Alamat ng Waling-Waling at Alamat ng Bundok Pinto. Sa larangan naman ng musika, hindi papahuli ang mga instrumento na ginagamit ng mga mamamayan. Ang ilan sa mga ito ay ang mga Gabbang, Gong, Karandil, Palendag, Subing at sa aspeto naman ng tradisyon, mayaman ang mga taga-Mindanao sa kaugalian at pagpapahalaga. Sila ay naniniwala sa pagiging matapang at determinado sa buhay. Malakas ang kanilang kumpyansa sa sarili at ito ay kanilang isinasabuhay para manatiling matatag sa laban ng buhay araw-araw

Explanation:


Comments

Popular posts from this blog

Sino Ang Panginoon Ng Impyerno Sa Greece At Rome?

Why Do You Need To Know Each Other